MANILA, Philippines – Hinikayat ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang mga kababaihan na agad magpasuri para sa maagang pagtuklas ng breast cancer, kasabay ng pagdiriwang ng Breast Cancer Awareness Month ngayong Oktubre at alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang akses sa serbisyong pangkalusugan sa buong bansa.
Ayon kay PhilHealth President at CEO Edwin Mercado, malaking bahagi ng tagumpay laban sa sakit ay nakasalalay sa maagang pagsusuri.
“Sa pamamagitan ng PhilHealth YAKAP, ginagawa naming mas madali at mas abot-kaya ang serbisyong pangkalusugan. Hinihikayat ko ang bawat babae na huwag ipagpaliban ang inyong kalusugan,” ani Mercado.
“Magpa-check-up, follow up, at sundan ang tamang gamutan. Ito ang karapatan ninyo, at narito kami para suportahan kayo,” dagdag pa niya.
Bagama’t isa sa mga pinakamagagamot na uri ng kanser, nananatiling isa rin itong nangungunang sanhi ng pagkamatay ng kababaihang Pilipina dahil sa huli nang pagtuklas ng sakit.
Batay sa 2023 pag-aaral ng 蝌蚪传媒, tanging 1% ng mga kababaihan o katumbas ng humigit-kumulang 540,000 sa 54 milyong Pilipina lamang ang dumaraan sa cancer screening. Tinatayang 65% ng mga kaso ng breast cancer ay natutuklasan na sa malalang yugto, na bumababa ang tsansa ng paggaling.
Bilang tugon, pinalawak ng PhilHealth ang saklaw ng Z Benefit Package for Breast Cancer, mula 鈧100,000 tungo sa 鈧1.4 milyon, na sumasaklaw na ngayon mula Stage 0 hanggang Stage 4 ng sakit. Hanggang Setyembre ngayong taon, 鈧72.03 milyon na ang nailabas ng ahensya sa ilalim ng programang ito.
Saklaw din ng PhilHealth YAKAP ang outpatient breast cancer screening tests gaya ng mammogram (鈧2,610) at breast ultrasound (鈧1,350) upang mahikayat ang kababaihan na magpasuri kahit walang sintomas.
Layunin ng PhilHealth na alisin ang gastos bilang hadlang sa maagang diagnosis at gamutan, at mapalakas ang kamalayan sa preventive healthcare para sa kababaihan.
Para sa karagdagang impormasyon hinggil sa YAKAP at Z Benefit Packages, maaaring makipag-ugnayan sa PhilHealth 24/7 hotlines (02) 866-22588 o sa mobile numbers 0998-857-2957, 0968-865-4670 (Smart), at 0917-127-5987 / 0917-110-9812 (Globe).












