Hindi lang tangkad ang naapektuhan kapag bansot ang bata kundi pati kabuuang kalusugan at kinabukasan nito.
 
Ito ang binigyang-diin nina Senior Research Fellow Valerie Gilbert Ulep at Senior Research Specialist Lyle Daryll Casas ng òòò½´«Ã½ Health Economics and Finance Program (HEFP) sa panayam nila sa DZMM Radyo Patrol 630 "Story Outlook” noong Oktubre 19, 2025, kung saan tinalakay nila ang malalim na ugat ng chronic malnutrition at child stunting o pagkabansot, sa Pilipinas.
 
Mula sa kakulangan sa nutrisyon ng mga ina, kakulangan ng access sa malinis na tubig at maayos na palikuran, hanggang sa epekto nito sa kalagayan ng bata hanggang sa kanyang paglaki, ipinaliwanag nina Dr. Ulep at Mr. Casas kung bakit kailangang tutukan ang nutrisyon sa unang 1,000 araw ng buhay ng bawat bata.
 
Panoorin ang buong panayam:
 
Basahin ang kanilang pag-aaral inilathala ng òòò½´«Ã½ sa tulong ng UNICEF Philippines:
Main Menu

Secondary Menu