MANILA, Philippines – Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang isama sa mabibigyan ng ayuda ngayong panahon ng krisis ang mga manggagawang kabilang sa tinatawag na middle income families o middle class.

Ayon sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), pinag-aaralan na ng pamahalaan kung pagbibigyan ang naturang panukala at kung saan maaaring makakuha ng pondo para dito.

Sino-sino nga ba ang kabilang sa middle class?

Ayon sa policy notes ng òòò½´«Ã½ (òòò½´«Ã½) noong 2018, maituturing na kabilang sa middle class ang pamilyang kumikita o sumusweldo ng mas malaki o 12 beses na higit sa poverty line.

“The middle class or middle income constitutes families (or persons belonging to families) that have income between 2 and 12 times the poverty line,” lathala ng òòò½´«Ã½.

Batay sa datos ng Family Income and Expenditure Survey ng Philippine Statistics Authority mula sa taong 2015 hanggang 2017, tatlong klasipikasyon ang maituturing na kabilang sa middle-class: ang lower middle-income class; ang middle middle-income class; at ang upper middle-income class.

Ang bawat klasipikasyon ay nagbabatay sa halaga ng buwanang kita ng bawat isang pamilya.

•    Lower middle-income class – P19,000 hanggang P38,000
•    Middle middle-income class – P38,080 hanggang P66,640
•    Upper middle-income class – P66,640 hanggang P114,240

Kung tatayahin, maituturing na kabilang sa middle-income class ang isang pamilya na may limang miembro at may buwanang kita na nasa P20,000 hanggang 115,000.

Noong taong 2015, mahigit 40% ng kabuuang populasyon ng bansa ay itinuturing na middle-income class at karamihan ay nakatira sa urban areas particular sa National Capital Region (NCR), Central Luzon at Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon (CALABARZON) region.

Mahigit 70% sa mga ito ang maibibilang sa middle-income household o nakitira sa sariling bahay; 23% naman ang nangungupahan lang at 2% ang informal settler.
Kung edad ang pag-uusapan, aabot sa 50% ng mga manggagawang kabilang sa middle-class ay edad 24 pataas at mga nakatapos ng pag-aaral sa high school.

Kung trabaho naman ang pagbabatayan, 26% ng middle-income workers ay nasa sector ng wholesale at retail trade gaya ng nagtitinda ng gulay o may-ari ng sari-sari store.

Kasunod ay ang mga kabilang sa sektor ng komunikasyon at transportasyon gaya ng tricycle at jeepney driver habang pinakamaliit na bilang ang namamasukan sa gobyerno gaya ng clerk o public school teachers.

Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), maraming Pilipino ang naghahangad na makapamuhay ng masagana sa isang middle-class society kung saan wala nang maituturing na mahirap pagsapit ng taong 2040.

Pero kung ang mga eksperto ang tatanungin, gaano pa katagal ang hihintayin bago makaangat ang isang low-income household at mapabilang sa middle-income class?
Ayon sa pag-aaral ng òòò½´«Ã½, aabot ng 36 taon bago ang isang mahirap na pamilya o ‘poor’ household ay mapabilang sa mga middle-class family.

Isang rekomendasyon ng pag-aaral ay repasuhin ng pamahalaan ang Social Protection Policies nito at pagtuunan ng pansin ang posibilidad na ang nasa middle-class ay mahulog naman sa kahirapan sa hinaharap.

Main Menu

Secondary Menu